NAGA CITY- Nakikiisa ang Naga City sa pagdiriwang ng Chinese New Year ngayong 2022 o ang Year of Water Tiger. Subalit wala ang dating malaking pagtitipon sa Plaza Quezon na sinasabayan pa ng Dragon Dances dahil sa COVID-19 restrictions.
Malaki ang papel ng Chinese Community sa Naga lalo na sa ekonomiya, mayroon ring ilang donated land na magagamit ng LGU, katuwang din sa mga programa para sa mamamayan , mayroon ring dalawang fire volunteer groups at marami pang iba.
Ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni Igualdad Punong Barangay Tony Galido, halos 50 pamilyang Chinoy at purong Tsino ang negosyante sa kanila, hindi pa rito kabilang ang mga kalapit Barangay sa sentro ng lungsod na Tabuco, Dinaga at ilan pa.
Malaki aniya ang naging papel ng mga nasa Chinese Community ngayong pandemya dahil katuwang sila sa pagbibigay ng ayuda sa mga naka lockdown. Tumutulong rin sa ilang pangangailangan ng Barangay.
Ayon kay Galido halos lahat sumusunod sa mga ordinansa ng lungsod at mga patakaran, may mangilan-ngilan lamang na matitigas ang ulo kaya nakakatuwang din sa community development.