Naga City , 2023 overall Most Competitive Component City sa bansa

NAGA CITY – Muling nasungkit ng Naga ang pagiging Overall Most Competitive Component City sa buong Pilipinas ngayong taong 2023.

Ginawa ang awarding ng 2023 Competitiveness Index Rankings sa Philippine Creative Cities and Municipalities Competitiveness Congress sa isang hotel sa Maynila.

Nakuha rin ang parehong parangal taong 2021, at 2022.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay City Mayor Nelson Legacion, sinabing nagpapakita lamang ito na may magandang pamamalakad o good governance , lalo na pagdating sa ekonomiya at imprastraktura na gumagawa ng maraming trabaho. Sa mabilis na pabangon sa mga kalamidad at kasama na ang innovation na malaki ang impact hindi lamang sa lungsod kundi sa mga nagtatrabaho rito.

Sa Economic Dynamism, nakuha ang 4th place, sa Government Efficiency 5th place, sa Resiliency 2nd place, first place sa Infrastructures at sa Innovation.

Napag-alaman din ng Alkalde na sa buong Pilipinas dalawa pa lang ang nakakuha ng sunod-sunod na parangal, ang Quezon City na Highly Urbanized at ang lungsod na nasa independent component.

Dagdag pa ng Alkalde, patunay pa ito na kayang-kaya ng Naga makipagsabayan lalo na’t sa higit isang daang kalaban sa component nila, nanguna pa rin ang Naga City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *