Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyaring sunog sa Bagbag Public Cemetery sa Quezon City ngayong Undas.
Una na kasing napa-ulat ng mga residente roon ang ‘di umano’y posibleng pag-o-overheat ng isang bentilador sa isang bahay doon.
Kuwento ng may-ari ng bahay na pinagsimulan ng sunog – bigla na lang daw pumutok ang kanilang bentilador, at tska na mabilis na kumalat ang apoy.
Umabot sa 21 na bahay at 30 pamilya ang naapektuhan ng sunog.
Samantala, tinatayang nasa P90,000 ang iniwang pinsala ng apoy.
Sa ngayon, hindi pa nagpapapasok ang pamunuan ng mga bibisita sa loob ng sementeryo dahil patuloy pa ring inaalam ng BPF ang pinagmulan ng apoy.