Naging top trending topic sa Twitter ang pag-akyat ng isang fan sa stage habang kumakanta si Nadine Lustre, sa campaign rally sa Pampanga.
Sa lumabas na video, matapos ang naging performace ni Nadine ay may isang lalaki na umakyat sa stage, at iniabot ang bote ng isang brand ng lechon sauce.

Natawa na lamang ang aktres nang makita ang bote at pinasalamatan ang lalaking nagbigay sa kanya.
Matatandaan na noong nakaraang taon nang maviral sa social media ang litrato ni Nadine habang bumibili ng lechon sauce sa isang sari-sari store sa Siargao suot ang kanyang swimsuit.