Ibinunyag ng asawa ni Baron Geisler na si Jamie Evangelista na nahihirapan na naman ang aktor na i-manage ang kanyang drinking habits.
Sa binurang video, makikita si Evangelista at si Baron na nagkokomprontahan, kung saan binato pa ang aktor ng kanyang asawa ng container na may lamang liquid, habang nakahiga si Geisler.
Humingi naman si Jamie ng paumanhin dahil sa kanyang inasal dahil hindi na umano niya nakontrol ang kanyang emosyon.
Ayon kay Evangelista, grabe ang pag-relapse ni Baron kamakailan, pero noong Disyembre ang medyo traumatic umano para sa kanyang mga anak.
Inalala rin ni Evangelista ang pagpunta umano niya sa isang hotel para sunduin si Geisler para makahabol sa kanilang flight papuntang Manila, pero naabutan pa nito ang asawa na nag-iinum.