Nabayarang claims ng Philhealth 12, 79% lang

KORONADAL CITY- NASA 79% lang ng kabuuang claims ang nabayaran ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth Region 12 noong nakaraang taon.

Ayon kay Philhealth 12 information officer Hannah Naanep na ito ay dahil sa ang ibang claims ay idineny, ibinalik sa ospital at ang iba ay pinoproseso pa.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Inihayag ni Naanep na mahigit sa 30,000 na mga Philhealth claims ang ibinalik sa mga hospitals dahil sa kulang na mga dokumento at kwestiyonableng mga datos na kailangan pang i-validate.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Samantala, mahigit sa 9,000 naman ang na-deny dahil sa non-compliance sa mga deficiencies sa mga papeles at impormasyon at inconsistencies sa datos ng miyembro.