Nabakunahan sa A1 Category sa Albay nasa 92.75% na

LEGAZPI CITY – Umaabot na sa 13, 555 o 92.75% ang partially vaccinated sa lalawigan ng Albay na 1st Dose na A1 priority group.

Base sa tala ng Department of Health (DOH) Bicol, tanging lungsod ng Legazpi, Ligao, tabaco, bayan ng Bacacay, Daraga, Jovellar, Manito, Oas, Rapu Rapu, Sto Domingo at Tiwi ang nakakuha na 100% sa 1st doze ng pagbabakuna sa nasabing priority group.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Tanging ang bayan ng malilipot ang mababang nababakunahan sa unang dose pagdating sa medical frontliner na kung saan mayroon lamang ito na 69.29%.

Sinundan ito ng 72.83% ang bayan ng Guinobatan habang nag iisa ang bayan ng Camalig na mayroong 82.11 % ang naturukan sa 1st dose ng bakuna.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Karamihan sa mga bayan na nabakunahan na A1 priority group ay nakakuha na ng mahigit 90% ng pagbabakuna.

Sa ngayon ay nasa 13, 916 o 95.22% na ang albay na partially vaccinated sa 2nd dose ng A1 priority group. Aabot din sa 13, 804 ang nabakunahan sa 1st dose na Expanded A1 priority.