Na-detect na Delta variant sa Taguig, hindi local case- DOH

Kinumpirma ng Department of Health ang pagkamatay ng isang Delta variant case mula Antique.

Sa isang panayam, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang nasawi mula Antique ay isang 78 anyos na di pa bakunadong babae na walang travel history. Kasama ito sa 11 na na-detect na local cases kamakailan ng Delta variant. 

Ayon kay Vergeire, ang isang nasawi ay mula Pandacan, Manila.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Dagdag ng opisyal, ang nasawing taga Antique ay mayroong partner na naka-rekober na mula sa COVID-19.

Aniya, isinasagawa na ang contact tracing at malalimang pag-aaral para malaman kung pano sila nahawa ng Delta variant kahit na wala namang travel history.

Tiniyak naman ni Vergeire na sinabi ng mga eksperto na galing pa rin sa labas ng bansa ang variant at nakapasok dito dahil mukhang nagkaroon ng breach ng protocols. 

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Mababatid na sa ngayon, pumalo na sa 35 ang kaso ng Delta variant na na-detect sa Pilipinas.

Bukod sa tatlong mga nasawi, lahat ng mga Delta cases ay naka-rekober na. 

Samantala, nilinaw naman ni Vergeire na ang na-detect na Delta variant case sa Taguig ay hindi local infection.