N. Korea nagbabala sa US laban sa pagharang sa kanilang ilulunsad na missiles sa Pacific ocean

Nagbabala ang North Korea sa posibilidad ng digmaan sakaling harangin ang paglulunsad ng kanilang missiles sa Pacific ocean.

Ito ay kasunod ng mas pinalakas na defense cooperation sa pagitan ng United States at South Korea kabilang ang joint drills, sa harap ng lumalaking banta mula sa nuclear-armed ng Pyongyang.

Read More:  Pope Leo XIV rests well as he recovers from lung surgery

Sinabi ng North Korea, na ang kanilang nuclear weapons and missile programs ay maituturing na self-defense kasunod ng US-South Korea military exercises at inilarawan na ang gagawing pagsasanay ay isang invasion sa bansa.

Read More:  Six dead, thousands without power after hurricane Isaias hits Florida

Ngayong buwan gaganapin ng US at South Korea military ang kanilang pinakamalaking joint drill sa loob ng limang taon.//CA