Ilang inilikas dahil sa pag-alburoto ng Bulkang Mayon sa Camalig, Albay, sumailalim sa solar power system installation training

LEGAZPI CITY – Kasalukuyang sumasailalim sa gender-inclusive photovoltaic/solar power installation training ang ilang mga mayon evacuees sa bayan ng Camalig, Albay.

Sa total ay mayroong 25 na evacuees na parte ng nangyayaring programa na layong mabigyan ng sapat na kakayahan at kaalaman sa nasabing kurso.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Isinagawa ito ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) regional training center.

Ang programa ay bukas sa parehong kababaihan at kalalalakihan upang masigurong pantay at mabigyang ng pantay na oportunidad ang lahat.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa ngayon, konektado ito sa layunin ng lokal na gobyerno na mabigyan ng skill-building opportunities ang mga apektadong residente dahil sa pag alboroto ng Bulkang Mayon.