Mura o libreng annulment, inirekomenda ng isang kongresista sakaling mabigong pumasa sa Senado ang Divorce

Iminungkahi ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin na magkaroon na lamang ng “compromised version” para sa minimal annulment fee sakaling hindi pumabor ang Senado sa Absolute Divorce Bill.

Reaksyon ito ni Garin sa survey na ginawa sa Mataas na Kapulungan kung saan anim na senador ang pabor umano sa diborsyo habang lima ang tutol dito.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ayon kay Garin na isa sa mga bumoto ng “yes” sa House Bill 9349, kung hindi maaaprubahan sa Senado ang panukala lalo’t tila patas ang takbo o laban ay maaaring gawin na lamang libre o hindi ganoon kalaki ang gastos sa annulment.

Marami aniya ang nagtitiis dahil walang kakayahang gastusan ang annulment.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Gayunman, inirerespeto umano ng kongresista ang opinyon ng ibang mga kasamahan patungkol sa Divorce dahil may kani-kanyang pananaw o paniniwala rito.

Mababatid na nagpahayag si Senate President Chiz Escudero na sa halip na diborsyo ay mas gusto niya ang annulment.

May mga nagsusulong din na dagdagan o lawakan na lamang ang grounds para sa annulment.