BI: ‘wag pumatol sa mga nag-aalok ng dokumento sa social media

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga nagnanais na mangibang bansa na huwag bumili ng mga dokumento mula sa social media platforms at messaging apps dahil karaniwang peke ang mga ito.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, kamakailan lamang ay naharang ang ilang mga Pilipinong nagprisinta ng pekeng Overseas Employment Certificate (OEC) na binili mula sa WhatsApp at Facebook.

Isa sa mga insidente ay noong Mayo 24 sa Clark International Airport (CIA) kung saan naharang ang isang 49-taong gulang na babaeng nagngangalang ‘Valerie’. Siya ay nagtangkang magtungo sa United Arab Emirates (UAE) gamit ang isang pekeng OEC na binili sa halagang Php 7,200.00.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Isa pang insidente ang naganap noong Mayo 26 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, kung saan isang 25-taong gulang na nagngangalang ‘Lovely’ ang naharang habang papunta sa Kuwait. Nakuha umano niya ang pekeng employment certificate mula sa isang Facebook account na may pangalang “OEC Appointment” sa halagang Php 500.00.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Sinabi ni Tansingco na may data-sharing agreement ang BI sa Department of Migrant Workers (DMW) na nagpapahintulot sa kanila na agad na ma-verify ang pagiging lehitimo ng mga certificate.

Binigyang-diin niya na ang pagbili ng mga permit online ay isang scam at dapat dumaan sa legal na paraan ang mga OFWs.