Municipal Treasurer’s Office humirit na palawigin ang renewal ng prangkisa ng pedicab at tricycle sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE – Humirit ang Municipal Treasurer’s Office na palawigin pa ang renewal ng prangkisa ng mga pedicab at tricyle sa bayan ng Basud  Camarines Norte sa gitna ng nararanasan ngayong krisis na dulot ng COVID- 19 pandemic.

Batay sa sulat ni Municipal Treasurer Neil Angelie Barrameda sa Sangguniang Bayan, inihayag nito na bagamat namumuhay na ngayon sa new normal at mayroon na ring bakuna para mapigilan ang lalo pang pagkalat ng COVID- 19 virus ay hindi maikakaila na malayo pa ang laban para tuluyang matapos ang pandemya.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Patuloy daw kasi ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng sakit at marami pang infectious variants ang lumalabas.

Sa pamamagitan umano ng pagpapalawig ng renewal ay marami sa mga apektadong constituents ang matutulungan sa gitna ng matinding pagsubok.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Hindi naman nakalagay sa sulat kung hanggang kailan ang hirit na renewal extension.

Agad na ni- refer ang hirit ng MTO sa tamang komitiba ng SB para mapag usapan.

Noong mga nagdaang taon ay madalas namang napagbibigyan ang ganitong mga kahilingan.

Ngayong Enero ay buwan kung kailan nagre- renew ng mga business permit at prangkisa.