Vaccinated individuals sa Catanduanes umabot na sa mahigit 353K

BNFM BICOL—Bakunado na kontra COVID-19 ang nasa 353,679 na mga indibidwal sa islang lalawigan ng Catanduanes batay sa pinakahuling ulat ng Provincial Health Office as of January 24, 2022.

Sa naturang bilang, 194,078 na mga indibidwal ang naturukan na ng first dose ng bakuna na katumbas ng 85% ng current target population.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Nasa 159,601 na rin na mga indibidwal ang fully vaccinated na kontra COVID-19 na katumbas naman ng 70% ng target population.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa kabuuan, nasa 58% na ngayon ang vaccination  coverage sa naturang lalawigan habang nasa 20,343 naman na mga  indibidwal ang naturukan na ng booster shots.###