CAMARINES NORTE- Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang nangunguna sa listahan ng Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Paracale, Camarines Norte.
Naaresto si Randy Pajares y Paming 27 kahapon ng umaga sa Purok Yakal, Barangay Poblacion Norte sa naturang bayan ng mga operatiba ng Paracale MPS at Highway Patrol Group.
Sa bisa ito ng warrant of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court Branch 39 dito sa Daet na pay petsang April 22, 2021 dahil sa kasong murder na walang inirekomendang piyansa.
Nakapiit ngayon sa naturang himpilan ng pulisya ang naarestong personahe para sa kaukulang disposisyon.
Nangako ang pamunuan ng PNP sa Camarines Norte na ipagpapatuloy nito ang Manhunt Charlie Operation laban sa mga taong wanted ng batas.
Ipinaalala naman ni PRO 5 Regional Director PBGen Jonnel Estomo ang kahalagahan ng pagkakaisa sa hanay ng kapulisan upang maisakatuparan ang misyon ng organisasyon lalo na sa pagsugpo ng kriminalidad.
Ngayong Hulyo ay ipinagdiriwang ang Police Community Relations Month na layong bigyang diin ang kahalagahan ng ugnayan ng pulis at komunidad.
Tema ng ika 26th Police Community Relations Month celebration ay “Pulisya at Pamayanan, BARANGAYanihan sa Hamon ng Pandemya laban sa Krimen.”

