NAGA CITY – Halos apat na libong aso sa San Fernando Camarines Sur ang target na maturukan ng anti-rabies vaccines ng Municipal Agriculture Office na kung saan nagsimula na ang bakunahan noon pang isang linggo, ayon kay Allan Salvador ang head ng naturang opisina.
Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada News FM Naga kay Salvador, sinabi nitong may schedule na sila para sa ganitong activity sa bawat barangay ng bayan kaya inaasahan niyang makukuha nila ang target na ito bago pa man magtapos ang kasalukuyang buwan.
Kailangan anyang matiyak na bakunado ang mga aso pati na rin ang mga pusa para kung makakagat ito ay hindi na gaano matapang ang rabies lalo pa kung malakas din ang resestensiya ng biktimang nakagat.
Inihalimbawa ni Salvador ang kanyang sarili na nakagat na rin kaya dalawang beses siyang binakunahan, anti-tetanus at anti-rabies.