Division kick- off ng 2022 Brigada Eskwela gagawin sa susunod na linggo

CAMARINES NORTE- Isasagawa na sa susunod na linggo ang 2022 Brigada Eskwela Division Kick- off bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase.

Batay sa Memorandum ni Schools Division Superintendent Nympha Guemo gagawin ang kick- off sa San Francisco National High School, Talisay, Camarines Norte sa Agosto 11.

Tema ngayong taon ang  “Brigada Eskwela: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik- Aral na sinimulan sa national level noong Agosto 1 at tatagal hanggang 26 ng taong kasalukuyan.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Naka- focus ang Brigada Eskwela ngayong taon sa maintenance and repair activities ng mga eskwelahan kung saan kasama dito ang probisyon sa pagtugon sa agarang pangangailangan at pagbibigay ng solusyon sa “ resource gaps” para sa pagbubukas ng face-to- face classes.

Kabilang din sa focus ng Brigada Eskwela ang pagpapalakas ng ugnayan sa mga stakeholders upang masiguro ang de kalidad na edukasyon, pag- abot sa tinatawag na “significant goals” na makakatulong sa  mataas na participation rate ng mga estudyante at mabawasan ang drop outs.

Read More:  ₱916K smuggled cigarettes seized in Zamboanga Sibugay

Upang masunod naman ang health protocols lalo na ang social distancing ang mga kalahok lang sa aktibidad ay ang Public Schools District Supervisors, Bicol Speaking School Heads gayundin ang mga School Head ng central schools sa tagalog speaking district at education partners.

Magsisimula ang motorcade alas 8 ng umaga sa SDO sa bayan ng Daet patungo sa San Francisco National High School.

Batay sa datos ng DepEd nasa 92, 642 na ang nakakapag- enroll sa lalawigan para sa School Year 2022- 2023.