MRT-3, pinalawig pa ang ‘Libreng Sakay’ program hanggang sa June 30

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na pinalawig pa nila ang kanilang ‘Libreng Sakay’ program para sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), hanggang sa June 30.

Ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael Capati, kailangan kasi na magkaroon ng maayos na testing capacity, at sa parehong pagkakataon, ito narin umano ang huling araw ng panunungkulan nila sa ilalim ng Duterte administration.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Sinabi naman ni Philippine National Railways General Manager Jun Magno, na ipinapaubaya nila sa susunod na administrasyon, sakaling mapagdesisyunan nilang i-adopt ang ‘Libreng Sakay’ initiative.

Read More:  Remulla denies rumors of Romualdez leaving Quezon City Jail

Dagdag ni Capati, na ang free ride program ay extended para tulungan ang financial burden ng riding public sa gitna ng inflation at tumataas na presyo ng langis.