Motorsiklo na ginamit umano ng 6 na kawatan ng P14M alahas sa Cebu, narekober

Narekober ng kapulisan ang isang puting motorsiklo at pulang helmet na pinaniniwalaang isa sa mga ginamit ng 6 na mga armadong tulisan na humakot sa tinatayang P14M na halaga ng alahas mula sa dalawang magkalapit na jewelry shop sa Calderon Street, Barangay Ermita, Cebu City bandang alas 11:00 ng umaga nitong Huwebes.

Natagpuan ang nasabing motorsiklo sa P. Burgos Street, Brgy. Sto. Nino matapos isigawa ang follow up operation ng kapulisan.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Sa pagsusuri, posibleng daanan ng mga tulisan ang sinasabing lugar kung saan napansin ang nag-iisang naiwan na motorsiklo sa naturang daan.

Aniya, may nakuha silang impromasyon at sinasabing alas-11:44 ng umaga noong Huwebes, bumaba ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo kung saan isa rito ay may bitbit na bag.

Base sa actual footage ng nasabing nakawan, may pagkakahawig umano ang narekober na motorsiklo.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa ngayon, patuloy pa ang kanilang pangangalap ng CCTV footages na maaring makatulong sa krimen.

Matatandaang tinatayang nasa 10 segundo lang nang nilimas ng mga kawatan ang milyones na halaga ng alahas, magbibigay naman umano ang lokal na pamahalaan ng reward sa makakapagturo sa mga suspek at binigyan din ng 48 hours ang Cebu City Police Office na maresolba ang krimen.