1 patay, matapos magsalpukan ang SUV at motorsiklo

Patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan sa pagkamatay ng isang driver hinggil sa nangyaring salpukan ng habal-habal at isang SUV pasado alas 11:00 ng gabi ng Huwebes, Agosto 08, 2024 sa Maracas, Barangay Lahug, Cebu City.

Base sa imbestigasyon, kasamahan ng biktima sa pamamasada ng motorsiklo ang nasawi na kinilalang si Tatay Honorario, residente ng Cebu City.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Habang dalawang pasahero naman ng biktima ang isinugod sa ospital.

Binabaybay umano ng dalawang sasakyan ang magkasalungat na direksyon at mabilis umano ang takbo ng SUV.

Sinasabing nag-overtake ang SUV sa sinusundan nitong sasakyan dahilan upang mabangga nito ang motorsiklong minamaneho ng biktima na nasa kabilang linya.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Dahil sa insedente, wasak ang motorsiklo, malaki naman ang pinsala na natamo ng SUV sa harapang bahagi nito.

Sinabi ng isa sa mga barangay tanod na rumesponde sa insedente, na inihatid na nila sa Mabolo Police Station ang driver ng SUV.

Sa ngayon, patuloy na nagpapagaling ang dalawang pasahero sa pagamutan.