Mag-asawang laging nagtatalo sa utang, patay

Kumbinsido ang mga anak ng mag-asawang namatay sa San Remigio, Cebu na ang kanilang tatay ang gumawa ng krimen dahil maraming beses na nilang naririnig na nag-aaway ito dahil sa utang.

Matatandaan na nitong Miyerkules, Agosto 07, 2024 bandang alas 10:45 ng umaga, natagpuang patay ang mag-asawa na kinilala na sina Alyas Em-em, 59-anyos at mister nito na si Alyas Lito, 61-anyos, pawang mga magsasaka matapos makarinig ng putok ng baril ang mga kapitbahay nito.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon sa babaeng anak ng mag-asawa, nakita nalamang niya ang ina na nakatihaya sa sahig habang ang ama naman nito ay nakahiga sa duyan na pawang may mga sugat sa ulo.

Dinala pa ang mga ito sa ospital ngunit ideneklarang dead on arrival ng doktor.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Narekober ng kapulisan mula sa crime scene ang isang kalibre 38 na armas, dalawang buhay na bala at 3 basyo nito.

Kinumpirma naman ng kapulisan na suspek sa pagpatay sa babae ay ang mismong mister nito at pinaniniwalaang matapos gawin krimen, sariling buhay naman nito ang tinapos.