Wala ng naligtas na gamit ang Pamilya Caparuso matapos lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Liloan, Cebu umaga ng Lunes, Hunyo 24.
Ayon sa Liloan Fire investigator, naiwan na nakasinding kandila ang tinitingnang dahilan ng mga otoridad sa sunog.
Mula ito sa kwarto ng kanilang nanay na namayapa noong Linggo ng gabi, Hunyo 23 bago pa nila ito dalhin sa punerarya.
Nang ibabalik na sana ang bangkay sa bahay, ikinagulat nila ng wala na silang nadatnan.
Dahil sa insidente, ginanap ang lamay ng kanilang nanay sa kapilya.
Paalala naman ng mga otoridad sa publiko na mag-ingat sa paggamit ng kandila.