Motorista, nalaslas ang leeg matapos sumabit sa tali ng saranggola habang nagmamaneho

LEGAZPI CITY – Nalaslas ang leeg ng isang lalaking motorista sa Legazpi City matapos na sumabit sa tali ng saranggola habang nagmamaneho sa kahabaan ng Brgy. Tamaoyan ng nasabing lungsod madaling araw kahapon.

Ayon sa biktima, alas 2 ng madaling araw nang pauwi na siya sa kanilang bahay nang bigla na lamang niyang naramdamang may manipis na taling sumabit sa kaniyang leeg.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Nang kaniyang tingnan ay tali umano ito ng bumagsak na saranggolang iniwang nakatali buong gabi.

Dagdag pa ng biktima, hindi talaga ito makikita dahil bukod sa madilim pa ang paligid, ang tali ay ‘fishing rope’ na hindi madaling makita.

Read More:  Tricycle driver shot dead in broad daylight by riding-in-tandem gunmen in Cebu

Sa ngayon ay nagpapagamot na ang biktima at planong dumulog sa Legazpi City Police Station (CPS) para mabigyan ng aksyon at parusa ang nag-iwan ng nasabing saranggola.