Motorista naghamon ng “suntukan” sa isang Comelec checkpoint sa Bacacay, Albay

LEGAZPI-Mahaharap sa kasong paglabag sa Indirect Assault/Resistance and Disobedience to an Agent of Persons in Authority ang isang motorista matapos mag amok sa Comelec Checkpoint sa Brgy  10 ng Bacacay, Albay.

Nakilala ang suspek na si alyas “Mark Jim”, 28 anyos na residente ng Brgy. San Pedro ng nasabing bayan.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon sa kwento ng PNP Bacacay, habang sila ang nagsasagawa ng Comelec Checkpoint sa nasabing lugar, ang nasabing motorista ang sinita dahil sa walang suot na helmet at pinatigil.

Nang hingian na ito ng mga papeles o dokumentos, wala itong maipakita sa mga otoridad kasama na ang driver’s license.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Dahil dito, agad na pinaalam ang sitwasyon sa commanding officer.

Subalit matapos na kunin ang motorsiklo para dalhin sa police station, nag amok nagyaya umano ng away ang motorista at sinubukan tumakas.

Buti na lamang ay naaresto ito ng dalawang pulis at kasalukuyan ng nasa kustodiya nila.