Motorcycle training course, isasagawa ng HPG Isabela

Isasagawa sa araw ng Sabado, July 3, 2021 ang executive motorcycle training course ng Isabela Highway Patrol Group para sa mga magiging katuwang nila sa pag-escort sa mga VIPs sa panahon ng malalaking event sa bansa.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PMaj. Rey Sales ng HPG Isabela, sinabi niya na ang mga kalahok dito ay mixture ng PNP personnel mula PRO 2 at Isabela sa pangunguna ni PBGen. Crizaldo Nieves at mga volunteer mula sa Isabela, Cagayan at Nueva VIzcaya.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Kabilang ito aniya sa annual program ng HPG Isabela at inaasahang matatapos din sa araw ng linggo July 4, 2021.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Magsisimula aniya sila ng long ride sa PRO 2 patungong Sta. Ana, Cagayan para maabot ang 180 km bago ang graduation gamit ang 400cc o pataas pa na motorsiklo.

Makakatanggap naman ng certificate ang mga makakapagtapos sa nasabing motorcycle training course.