4 na siyudad at 8 bayan sa Batangas, mataas ang kaso ng Covid19 positive

Batangas City -Tinukoy sa pagpupulong ng Batangas IATF ang ibat ibang siyudad at bayan na mataas pa rin ang bilang ng covid19 virus sa buong Batangas.

Sa report ng DOH Batangas as of June 27 noong Lunes, kabilang sa labing dalawang mga lugar ayon sa pagkakasunod-sunod na mataas ang bilang, una na ang Batangas City, Lipa City, Sto. Tomas, Tanauan, San Jose, San Pascual, Bauan, Calaca, Nasugbu, Rosario, Ibaan at Lemery.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa kasalukuyan ang lalawigan ng Batangas ay may humigit kumulang sa dalawang libong aktibong kaso ng Covid19 mula sa halos 33,785 total confirmed cases simula pa noong nakaraang taon.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Bumibilang naman na sa higit 800 ang nasawi dahilan sa naturang virus habang nasa 19,343 naman na ang mga nakarekober na mula sa naturang sakit.