Natagpuan na ang nawawalang Motorbanca at ang tatlong mga sakay nito. sa Barangay Calutcot Burdeos, Quezon nitong Linggo, Mayo 27.
Ayon sa ulat ng Coast Guard District Southern Tagalog, nakatanggap ng balita ang Coast Guard Sub-Station (CGSS) Infanta na namataan ang nasabing motorbanca ng isa pang bangka sa fishing buoy na matatagpuan sa katubigan malapit sa Gumatong Shoal, humigit-kumulang 40 nautical miles hilaga ng Calutcot Island, Burdeos, Quezon nang maglayag ito sa Pacific Ocean.



Lumabas sa imbestigasyon na noong kasagsagan ng Bagyong Aghon noong Mayo 26, 2024, naputol ang anchor line ng Motor Banca Mike Denmark-3 dahil sa malakas na hangin at alon. Sa kabila ng pagsusumikap na paandarin ang makina, napadpad ang motorbanca sa nasabing isla.
Samantala, ligtas naman ang tatlong tao na sakay nito at nasa maayos na kondisyon matapos suriin ng mga Barangay Health Worker.