IU, nasa bansa na para sa 2024 IU HEREH World Tour Concert bukas

I-expect na ang ‘Good Day’ dahil isang tulog na lang, at muli nang maririnig nang live ang South Korean singer-songwriter at actress na si Lee Ji-eun o mas kilala bilang si IU!

Excited na ang mga Uaenas o ang mga fans ni IU dahil after 4 years, magko-concert na ulit siya sa Pilipinas.

Kaninang tanghali ay nakarating na ang Korean singer sa bansa para sa kanyang 2024 IU HEREH World Tour Concert sa Philippine Arena bukas, June 1.

Matatandaang pinagbidahan niya ang ilang mga korean drama na nagpaiyak at nagpakirot sa puso, hindi lamang ng mga Koreano, kung ‘di pati ng mga Pilipino.

Ilan dito ang Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo, Hotel del Luna, at Mister.

Siya rin ang nasa likod ng mga top hit songs na Good day, Strawberry Moon, Bbibbi, Eight, at Blueming!
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *