Motor na nakaparada, tinangay!

Tinangay ang isang motorsiklo sa Zone 3, Barangay Masagana, El Nido, Palawan nitong Linggo, July 17, 2022 ganap na alas-diyes ng gabi.

Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada News FM sa may-ari ng motor, ang motorsiklo ay isang Rusi 110 na kulay pula at may sticker na numero 49 sa gilid.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Ayon pa sa kanya, posibleng sinamantala ng kawatan habang sila ay nasa loob ng establisyemento kaya nagulat na lamang nang sila’y lumabas ay nawawala na ang behikulo.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Sa kuha naman ng CCTV sa lugar ay makikitang itinutulak ang motor ng isang lalaki naka-suot ng long-sleeve.

Samantala, iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente.