Arestado ng pulisya ang isang bet collector o nagpapataya ng ‘Peryahan ng Bayan’ sa Barangay Malis, Brooke’s Point, Palawan ganap na 1:07 nitong Martes, July 19, 2022.
Ayon sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, ang suspek ay si Danilo Rubin Marcojos, 39 anyos ng barangay District I, Brooke’s Point.
Siya ay inaresto ng PIU-Palawan PPO at Brooke’s Point PNP at 1st PPMFC sa Anti- illegal Gambling Operation at nakuha umano sa kanya ang mga ebidensya tulad ng pera, resibo, cellphone at iba pa.
Ang nahuli ay nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti- Illegal Gambling.