Molnupiravir gagamitin na bilang gamot kontra COVID-19 sa Mexico

Pinayagan ng Mexico ang Molnupiravir na magamit bilang gamot laban sa COVID-19.

Ayon kay President Andres Manuel Lopez Obrador binigyan ng emergency use authorization ang drugmaker na Merck’s para gamitin ang kanilang COVID-19 pill.

Batay sa datus mula sa clinical trial ng Molnupiravir na dinevelop ng Ridgeback Biotherapeutics nabawasan ng 30% ang hospitalization at pagkamatay ng mga pasyenteng uminom ng naturang gamot.

Inihayag naman ni Obrador na sunod nilang bibigyan ng EUA ay ang Paxlovid pill ng kumpanyang Pfizer.

Tiniyak din nitong magiging available ang dalawang gamot sa lahat ng pampublikong ospital ng Mexico.