Modernisasyon ng post-harvest facilities ng NFA Bicol, isa sa mga tinututukan

LEGAZPI CITY – Suportado ni National Food Authority (NFA) Administrator Roderico Bioco ang isinusulong na digitalization, transformation at modernisasyon ng administrasyong Marcos sa kanilang ahensya.

Ayon kay NFA Bicol Spokesperson, Jaharah Shyrra Pavilando, tinututukan ng NFA ang ginagawang hakbang sa usaping modernisasyon partikular na sa kanilang post-harvest facilities.

Aniya, isa sa mga panukalang isinusulong ng ahensya ay ang modernisasyon ng kanilang mga tradisyonal na warehouse na imbakan ng palay upang mapanatili ang kalidad ng bigas.

Ang nasabing pasilidad ay malaking tulong na mabawasan ang gastuhin para sa pest control, pesticides, at budget para sa labor force.

Sinabi ng opisyal na sa ngayon ay umaasa sila na maaprubahan ang nasabing panukala at nakahanda naman ang ilang mga private agencies sakaling maituloy ang naturang modernisasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *