Mobility sa mga bata pwedeng higpitan ng mga LGUs – DOH

Nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maaaring magdagdag ng restrictions ang mga Local Government Units kaugnay sa mobility ng mga bata.

Ginawa ni Vergeire ang pahayag kasunod ng pagbubunyag ng isang doktor sa social media na may 2-anyos na bata ang nagpositibo sa virus matapos itong mamasyal sa mall.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Dagdag pa ng opisyal kung sa tingin ng mga LGUs ay kailangan maghigpit sa galaw ng mga bata, may kapangyarihan itong gawin sa kanilang nasasakupan.

Subalit binigyan-diin naman ni Vergerie na mayroon din benipisyo sa kalusugan ang paglabas ng mga bata.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Kaya umano pinapayagan lumabas ang mga bata matapos ang halos dalawang taon ay para magkaroon ng interaction sa kapwa bata at magkaroon ng oras para mag-ehersisyo.

Iginiit naman ng DOH na isolated incidents lamang ang naturang kaso at nakikipag-ugnayan na sila sa pamilya ng bata.