CAMARINES NORTE- Magsasagawa ng mobile registration ang National Irrigation Administration (NIA) para sa condonation program sa Vinzons Camarines Norte sa Lunes.
Batay sa abiso ni Irrigation Management Office Information Officer Mar Villamonte, gagawin ang aktibidad sa Barangay Hall ng Guinacutan.
Kaya naman inaabisuhan ang mga magsasakang nasasakupan ng Daet- Talisay RIS na mayroong pagkakautang sa bayad sa tubig o irrigation fee na i- avail ang programa lalo’t pinagaan na ngayon ang mga requirements.
Kabilang sa mga dapat dalhin ng mga magsasakang mag- a- avail ng programa ay ang Transfer Certificate of Title (TCT), Certificate of Land Ownership (CLOA), Emancipation Patent (EP), Tax declaration at Certificate of Landholdings na inisyu ng Office of the Treasurer nang nakakasakop na LGU at kahit Barangay Certification.
Kinakailangan ding magdala ng valid ID ng mga mag- a apply ng condonation.
Una nang sinabi ni Villamonte sa nagging panayam ng Brigada News FM Daet na sa ngayon ay mababa pa ang turn out ng mga nag- aavail ng condonation program.
Isa umano sa nagiging hadlang ay dahil malayo ang ibang mga barangay kaya naman ang NIA na mismo ang gumagawa ng paraan para ilapit ang programa sa mga magsasaka.
Sa ngayon ay nasa 46 percent pa lang ang nag- aavail sa programa.
