Mobile clinic mula kay First Lady Araneta-Marcos, natanggap na ng Quirino

Natanggap na ng probinsya ng Quirino ang mobile clinic na mula sa Bagong Pilipinas Mobile Primary Health Care Facilities ni First Lady Liza Araneta Marcos.

Ang Quirino ang isa sa 14 na probinsya sa bansa na napagkalooban ng mobile clinic kung saan kabilang pa sa mabibigyan ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Apayao, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya.

Mayroon nang medical amenities tulad ng examination, laboratory at x-ray facility ang naturang advance mobile clinic.

Bukod dito, kumpleto rin ito sa medical supplies tulad ng patient beds, thermometers, monitor, electrocardiogram, ultrasound at iba pang diagnostic equipment.

Bahagi ng Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat” (LAB) program ang inisyatibang ito na pinangungunahan ni First Lady Marcos upang maserbisyuhan ang mga nangangailangan ng tulong medikal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *