Halos P400K na halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa isang araw na operasyon ng PRO Calabarzon

Halos P400 thousand pesos na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sa isang araw na operasyon ng Police Regional Office Calabarzon.

Sa ulat ng PRO4A, sa isinagawang 27 anti-illegal drugs operation mula july 10 hanggang july 11, nakumpiska ng mga pulis ang nasa 57.17 grams ng shabu at 17.50 grams ng marijuana.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng 31 na mga indibidwal na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (BRIGADA INTERN – RAY RESPICO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *