MOA sa pagitan ng LGU, DOH at Philhealth ikakasa para sa implementasyon ng UHC law sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Tinatrabaho na ngayon ng Provincial Health Office (PHO) ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Health, Local Government Unit at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa implementasyon ng Universal Healthcare law sa Camarines Norte.

Ito ay makaraang mapabilang na ang Camarines Norte sa implementing site ng Universal Health Care law sa bansa matapos ang matagal- tagal ding panahon ng paghihintay.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco kailangan lang nilang kolektahin ang Sangguniang Bayan resolution mula sa iba’t- ibang munisipyo gayundin sa probinsiya para mailarga na ang pirmahan ng MOA para sa provicewide implementation ng universal healthcare.

Dahil UHC implementing site na ang lalawigan ay mabibigyan ito ng karagdagang tulong ng DOH sa larangan ng technical capability, managerial, financing tulad ng special health fund at iba pa.

Maaari na ring mag- avail ngayon ang lalawigan ng mga pondo para sa UHC operation.

Sa pamamagitan din ng UHC law ay bibilis at mapapaganda ang referral system sa pagitan ng mga health facility mapa pampubliko man o pribado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *