MOA sa pagitan ng LGU Basud at Provincial Government kaugnay sa pagtatayo ng referral system ng Municipal Health Office bilang primary care Facility ng CNPH ilalarga na

CAMARINES NORTE – Nagpahayag na ng pagsang ayon ang Sangguniang Bayan hinggil sa ikinakasang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud at ng Provincial Government ng Camarines Norte.

Tungkol ito sa kahilingan ng Alkalde na pumasok sa isang kasunduan sa pagitan ng munisipyo at kapitolyo para sa establishment ng referral system ng Municipal Health Office bilang primary care Facility ng Camarines Norte Provincial Hospital.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Binabalangkas na ng SB ang resolusyon ng pag sang ayon sa hiling na authority ng Local Chief Executive na pumasok sa MOA.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Mahalaga ang mga ganitong kasunduan para sa higit na maayos at mabilis na serbisyong pangkalusugan.

Nakapaloob din sa Universal Health Care Law ang referral system.

Hindi pa batid sa ngayon kung kailan gagawin ang pirmahan sa nabanggit na MOA.