MNWD, 90% nang handa sa posibleng epekto ng El Niño Phenomenon simula Enero hanggang Hunyo

NAGA CITY – Nasa 90% nang handa ang Metropolitan Naga Water District o MNWD para sa posibleng epekto ng El Niño Phenomenon ngayong kakapasok pa lamang ng taon na mararanasan simula ngayong Enero hanggang sa Hunyo.

Ito ang napag-alaman kay Florencio Jun Mongoso Jr., General Manager ng MNWD, kung saan inaasahan nilang bababa at maaapektuhan ang tubig na pinagkukunan mula sa Mt. Isarog lalo pa’t hindi kontrolado dahil mula sa kalikasan, nasa 30 liter per second din kasi ang nakukuha nilang tubig na naisusuplay sa lungsod.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Kaya naman bilang una nang paghahanda at kasugutan, maliban sa naipatayo na ang iba pang pumping station, may mga inaasahan pang itatayo, para sa karagdagang suplay ng tubig, nasa 14 na ring makina ang ipinalit, na magdadagdag ng 30 liter per second na buhos ng tubig.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ayon pa sa opisyal tuloy din ang pangangalaga at pagmonitor nila sa naturang protected area upang makapagbigay pa ito ng mas maraming suplay ng tubig.