MMDA, pinayagan ang mga provincial buses na dumaan sa EDSA hanggang November 6

Pinayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga provincial buses na dumaan sa EDSA hanggang November 6 kasunod ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero nitong long weekend.

Read More:  DepEd set to launch active shooter drills in schools

Ayon kay MMDA Acting Chairperson Don Artes, malayang bumiyahe ang provincial buses sa EDSA simula 10PM hanggang 5AM.

Bukod dito, magdedeploy ang ahensya ng karagdagang 1,400 MMDA traffic enforcers upang tiyakin ang siguridad ng publiko.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Sinabi rin ni Artes na ipapatupad din nito ang ‘No Day Off at No Absent Policy’ para sapat ang kanilang puwersa sa Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at paggunita ng Undas.