MMDA, makikipag-ugnayan sa mga LGU para masulusyunan ang matinding pagbaha sa Metro Manila

Makikipag-ugnayan na ang Metropolitan Manila Develoopment Authority (MMDA) mga Local Government Unit ng Metro Manila para solusyunan ang matinding pagbaha sa Kamaynilaan.

Kahapon nga ay lumusong na naman sa baha ang maraming commuters at ilang sasakyan din ang tumirik dahil sa mataas na tubig sa kakalsadahan ng biglang bumuhos ang ulan.

Ayon sa MMDA, kanila na itong pina-iimbestigahan habang hindi naman tumitigil ang kanilang mga tauhan sa paglilinig ng mga baradong drainage.

Napag-alaman na maraming kanal ang barado kung kaya sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan ay agad na bumabaha kaya pakiusap ng ahensya sa publiko huwag gawiang basurahan ang mga kanal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *