1,434 na magsasaka sa Bulacan, nakikinabang sa 3 solar powered irrigation project

Nakikinabang ang 1,434 na magsasaka sa Bulacan sa tatlong solar-powered irrigation projects ng National Irrigation Administration (NIA).

Matatagpuan ang mga ito sa barangay Sampaloc, San Rafael at sa bayan ng Bustos sa Malamig at Tibagan.

Ayon kay NIA Regional Manager Josephine Salazar, nakapagbibigay ng water supply ang proyekto sa 150 ektaryang agricultural land ng San Rafael, 350 ektarya naman sa barangay Malamig, Bustos, at 1,200 ektarya sa barangay Tibagan, Bustos Bulacan.

Dagdag niya makatutulong ito sa mga magsasaka na mabawasan ang Annual Average Electrical Expenses.

Ipinagpapatuloy ng NIA ang solar-powered irrigation projects bilang isang makabagong teknolohiya upang mapalitan ang diesel pumps, kung saan mas nakikita ito bilang cost-effective kaysa sa fuel-powered dahil sa mga gastos sa operasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *