MMC maglalabas ng rekomendasyon para sa COVID-19 alert level sa NCR ngayong araw

Inaasahang ngayong araw ilalabas ng Metro Manila Council ang kanilang rekomendasyon para sa COVID-19 alert level sa National Capital Region.

Ito ang kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Atty. Romando Artes.

Read More:  Robin Padilla denies ‘helping Bato escape’ after Senate CCTV release

Ayon kay Artes na kinukumpleto na lamang ang pirma ng mga alkalde para sa mailabs ang resolusyon subalit tumanggi muna itong banggitin kung ano ang rekomendasyon ng Metro Manila Mayors.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Subalit inilahad ni Artes na naging unanimous ang mga chief executives sa NCR sa kanilang rekomendasyon.

Iginiit naman ng opisyal na handa ang Metro Manila ano mang alert level na ipatutupad sa lugar.