Miyembro ng private armed group sa Rehiyon Dos, natimbog sa Quezon City

Nadakip ng mga miyembro ng Regional Police Intelligence and Operations Unit – Regional Intelligence Division (RPIOU-RID) ng Police Regional Office 2 katuwang ang iba pang sangay ng PNP sa Rehiyon Dos at National Intelligence Coordinating Agency Region 2 ang isang miyembro ng Potential Private Armed Group sa Lambak Cagayan na kilala bilang “Babaran Group” sa ikinasang operasyon noong Lunes sa 13th Avenue, Cubao, Quezon City.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Inaresto si alias Benjie ,korentay dos anyos at residente ng Remus Baggao Cagayan sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act na may piyansang nagkakahalaga ng Php120,000.00 at Republic Act 9516 o Illegal Possession of Firearms.

Ayon sa Regional Intelligence Division 2, ang PPAG “Babaran Group”ay nag ooperate sa Isabela at nag iingat ng malalakas na kalibre ng armas at sangkot sa mga iligal na aktibidad.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Pinuri PBGEN CHRISTOPHER C BIRUNG, PRO2 Regional Director ang mga pulis na nasa likod ng matagumpay na pagkakaaresto ni alias Benjie na ngayon ay nasa pag iingat na ng RPIOU-RID2 bago ipasakamay sa Regional Trial Court, Branch 1, Tuguegarao City.