302 BDFT na Narra, nakumpiska sa anti-illegal logging operation sa Cagayan

Narekober kahapon ng mga kapulisan sa Brgy Dadda Amulung Cagayan ang 302 board feet na narra na nagkakahaalga ng 36,240.00 sa isinagawang anti-illegal logging operation.

Dinakip si alyas Ebong, 33 taong gulang, may asawa, magsasaka, at residente ng nabanggit na lugar matapos mabigong makapag-prisinta ng mga dokumento.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Ayon sa report, nakatanggap ng tawag ang PNP Amulung mula sa isang concerned citizen na may mga nakaimbak na kahoy sa paligid ng bahay ng nasabing suspek.

Agad na nakipag ugnayan ang PNP Amulung sa Community Environment and Natural Resources Office- Alcala at napag alaman na walang dokumento ang mga nasabing kahoy dahilan upang arestuhin ang may ari nito.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Isinagawa ang imbentaryo at dokumentasyon sa lugar kung saan nakita ang mga nasabing kahoy sa presensiya ng mga opisyal ng barangay at Forester mula sa CENRO.

Dinala ang mga nakumpiskang ebidensiya sa CENRO, Baybayug, Alcala, Cagayan habang ang suspek ay dinala sa Amulung PS para sa kaukulang disposisyon