Miyembro ng NPA, patay, 2 pang kasamahan, sugatan sa engkwentro ng CTG at mga pulis sa Camalig, Albay

LEGAZPI CITY – Patay ang isang hindi pa nakikilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) habang dalawa pang kasamahan nito ang sugatan matapos ang engkwentro sa pagitan ng Communist Terrorist Group (CTG) at kapulisan ng Camalig MPS sa Brgy. Magogon, bayan ng Camalig, Albay.

Sa report ng pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen ukol sa umano’y presensya ng hindi matukoy na bilang ng mga armadong lalaki na naglalakad sa paligid ng nasabing barangay.

Dahil dito, agad na rumesponde ang pulisya kasama ang 31st Infantry Batallion, 9th Infantry Division at NICA5 sa lugar, ngunit pinaputukan ito ng armadong grupo, kung saan tumagal ng humigit-kumulang 30 minuto ang palitan ng mga putok.

Kinilala ang mga naarestong miyembro ng NPA na sina alyas “Marsi/Masi”, 42 anyos, construction worker, at may warrant of arrest para kasong Attempted Murder at Destructive Arson, at si alyas “Ka Yeng”, 44 anyos, magsasaka at may warrant of arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

Si Ka Yeng ay nakumbinsing aminin ang impormasyong itinago ng kanilang grupo ang mga baril na matatagpuan sa Purok 3, Brgy. Panoypoy ng kaparehong bayan.

Agad namang pinuntahan ang lugar at narekober nila ang samu’t saring mga baril at mga bala sa bakanteng lote.

Samantala, wala namang naiulat na namatay sa panig ng gobyerno dahil sa engkwentro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *