Notorious robber ng Daraga, Albay, nasakote sa gun buy-bust operation

LEGAZPI CITY – Nasakote ang kinokonsiderang notorious robber ng bayan ng Daraga, Albay sa isang gun buy-bust operation sa Brgy. Busay ng nasabing bayan.

Nahuli sa operasyon ang 31 anyos na suspek na kinilalang si alyas “Andew matapos itong kumagat sa pain at nakunan ng isang .38 caliber na revolver na walang serial number at may kasamang apat na bala.

Kasama pa sa mga nakumpiska ang 2.4 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang humigit-kumulang na P16,000.

Dinala ang suspek pati na ang mga nakumpiskang ebidensya sa Daraga MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *