Misteryosong uri ng pneumonia sa Argentina pinag-aaralan ng mga eksperto

Umakyat na sa tatlo ang bilang ng patay habang anim ang nasa ospital kasunod ng isang uri ng pneumonia na hindi pa alam ang pinagmulan sa Argentina.

Kabilang sa mga nasawi ang dalawang health personnel at isang pasyente sa klinika.

Kinumpirma ni Tucuman health minister Luis Medina Ruiz na unang naitala ang pagkakasakit ng siyam (9) na tao sa Tucuman province bunsod ng misteryosong respiratory illness kabilang ang walong medical staff sa isang pribadong klinika

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Nilinaw ni Ruiz na isinantabi na nila ang COVID-19, trangkaso, influenza A at B, maging ang legionella bacterial disease.

Patuloy namang pinag-aaralan ng mga eksperto ang sanhi ng misteryosong pneumonia na tumama sa mga biktima.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Kabilang sa mga simtomas na nakita sa mga biktima ang severe respiratory condition na may bilateral pneumonia na medyo pareho sa COVID-19, gayundin ang pagsusuka, mataas na lagnat, pagtatae at sakit ng pangangatawan

Pinag-aaralan naman ng mga expert kung may posibleng kontaminasyon o poisoning sa tubig at hangin sa lugar.