Tinawag ni US President Joe Biden si Russian leader Vladimir Putin na butcher na hindi umano mananatili sa kapangyarihan, matapos ang pulong sa pagitan ng Ukrainian refugees sa Poland.
Ang pahayag ni Biden ay sa harap ng mas pinag-igting na pag-atake ng Kremlin sa Ukraine, kabilang na sa western city ng Lviv.
Sa katunayan, bago magsalita ang pangulo sa labas ng Warsaw’s Royal Castle, may apat na missiles na tumama sa labas ng Lviv, o 60 km lang ang layo mula sa Polish border.

Sa naturang strike ay nagdulot sa pagkasira ng infrastructure sa Lviv, pero walang napa-ulat na nasawi.
Samantala, bigo pa ang Russia na marekober ang anumang major Ukrainian city at ang gulo ay nagdulot na ng pagkasawi ng libo-libong katao, habang halos 3.8 million na ang lumikas papunta sa ibang mga bansa.