Melai Cantiveros, humingi ng tulong vs netizen na tumawag sa kanya na ‘magnanakaw’

Humingi ng tulong si Melai Cantiveros sa publiko para i-trace ang netizen na nag-akusa sa kanya ng pagnanakaw, at idinamay pa ang dalawang anak na sina Mela at Stela.

Kaugnay nito, ipinakita ni Cantiveros ang larawan ng isang Sugar Miquelon, maging ang comments nito sa video ng mga anak habang kumakain, na makikita sa kanyang Instagram page noong March 26.

Nakasaad sa komento ng netizen, “Sarap kumain ng galing sa nakaw. Sumpain mga anak mo gaga. Boycott products endorse ni Melai. Isa itong magnanakaw. Pinalaki sa nakaw ng mga magulang.”

Dahil dito, gagawa ng legal na hakbang ang comedian-TV host.

Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na inaksyunan ni Cantiveros ang mga negatibong komento na kinabibilangan ng kanyang mga anak.